Sapin sa Tiyan
Madilim na gabi sa piling ni Mang Inasal isang damukal na tao pilit nagsusumisikan sa mesang di maukupahan. Pakpak ng munting ibon ay wala na, tanging hita na lng ang pwede pa. Lumamon ang mga demonyong hayok sa laman ng munting ibon sinamahan pa ng kalamonding, labuyo, toyong sawsawan, at langis na kulay kahel na pampadulas sa lalamunan. Lumayas ang mga demonyong bundat ang tiyan dala ang ngiti papunta kay Sr. Pedro, Lintik na yan, Ibon na nman! Di tatagal sa kakatihan, buni muli’y sasargo na nman.
Sapin sa sapin
Sa kwartong numero sais, kwentahang doble doble. Six times six plus zero sa dulo, trescientoscecenta bulong para sa isang kahon ng pulang kabayo. Lumalaon ang usapan, yabangan, at kalokohan, tila mga demonyo malakas pa sa bomba ng Cotabato dulot daw ng gera. Ang peaceful ng usapan binanatan ng SPACEFUL ni Sinunog ng Palaisdaan, walang hiya nman di ka nman utal. Ang ibon at kabayo na nautay ng oras nasundan pa, sa upang mabuo ang balak.
Sapin sapin sa sapin
Taong de armas bumungad, demonyo’y di napigilan. Madilim nga nman, gatuldok na liwanag lng ang nasisilayan, ang ibong iniwan at pinapak mukhang nalimutan. Ibong dala nman ay sayang saya sa mga pinagpapapak. Lechong hain naging himagas na lng dala ng pagkakataong wala ng oras. Galamay ng mga pusit gumagapang, parang di mapalagay, may hinahanap, may gustong gusutin at lapirutin. Kase namay mga harot na tilapia pumatong na at gusto may madiscover. Bundat ang mata sa mga makakain, presyo naman naghuhumindik para birahin. Nanininigas na kalamnan ng numero 9 dinaan sa sayaw kahit tuhod aayaw. Ang Sinunog ng Palisdaan nakakaawa nman, nandun sa sulok at nakanganga, mukhang nag aabang na lng ng unan at kama. Bukang liwayway ay sasapit na, apat na papel na may tatlong natanggal sa bulsa. Kamahal ng sandaling parang sumilip ka lang, mabuti pang nag Discovery Channel ka na lng.
Tirik na ang haring araw nakabaluktot pa rin ang Sinunog, ang masakit ang Tuhod nasa banyo, si Pareng taga third floor nakalock pa door, nilamig si Tatlong Asawa at di alam kung na vertigo na naman ang aming bisita.
Isip nyo'y mamimilipit katha ko'y nagmamalupit.
Bahala na kayong umitindi ayusin nyo lng
Baka ibon na naman ang mahuli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento