Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Ibong Sapin-sapin


 Sapin sa Tiyan

Madilim na gabi sa piling ni Mang Inasal isang damukal na tao pilit nagsusumisikan sa mesang di maukupahan. Pakpak ng munting ibon ay wala na, tanging hita na lng ang pwede pa. Lumamon ang mga demonyong hayok sa laman ng munting ibon sinamahan pa ng kalamonding, labuyo, toyong sawsawan, at langis na kulay kahel na pampadulas sa lalamunan. Lumayas ang mga demonyong bundat ang tiyan dala ang ngiti papunta kay Sr. Pedro, Lintik na yan, Ibon na nman! Di tatagal sa kakatihan, buni muli’y sasargo na nman.

Sapin sa sapin 

Sa kwartong numero sais, kwentahang doble doble. Six times six plus zero sa dulo, trescientoscecenta bulong para sa isang kahon ng  pulang kabayo. Lumalaon ang usapan, yabangan, at kalokohan, tila mga demonyo malakas pa sa bomba ng Cotabato dulot daw ng gera. Ang peaceful ng usapan binanatan ng SPACEFUL ni Sinunog ng Palaisdaan, walang hiya nman di ka nman utal. Ang ibon at kabayo na nautay ng oras nasundan pa, sa upang mabuo ang balak. 

Sapin sapin sa sapin

Taong de armas bumungad, demonyo’y di napigilan. Madilim nga nman, gatuldok na  liwanag lng ang nasisilayan, ang ibong iniwan at pinapak mukhang nalimutan. Ibong dala nman ay sayang saya sa mga pinagpapapak. Lechong hain naging himagas na lng dala ng pagkakataong wala ng oras. Galamay ng mga pusit gumagapang, parang di mapalagay, may hinahanap, may gustong gusutin at lapirutin. Kase namay mga harot na tilapia pumatong na at gusto may madiscover. Bundat ang mata sa mga makakain, presyo naman naghuhumindik para  birahin. Nanininigas na kalamnan ng numero 9 dinaan sa sayaw kahit tuhod aayaw. Ang Sinunog ng Palisdaan nakakaawa nman, nandun sa sulok at nakanganga, mukhang nag aabang na lng ng unan at kama. Bukang liwayway  ay sasapit na, apat na papel na may tatlong  natanggal sa bulsa. Kamahal ng sandaling parang sumilip ka lang, mabuti pang nag Discovery Channel ka na lng.

Tirik na ang haring araw nakabaluktot pa rin ang Sinunog, ang masakit ang Tuhod nasa banyo, si Pareng taga third floor nakalock pa door, nilamig si Tatlong Asawa at di alam kung na vertigo na naman ang aming bisita. 

Isip nyo'y mamimilipit katha ko'y nagmamalupit.
Bahala na kayong umitindi ayusin nyo lng
Baka ibon na naman ang mahuli.

Lunes, Nobyembre 28, 2011

MONEY BY TEXTING

More Money In the New Year!!
Give Yourself A Raise!
Don't be Afraid to Start Earning!
Get Paid Everyday!
Earn $1,000's Weekly!
Why Wait? IT'S 100% FREE
http://joxcaoli.textcashnetwork.com

follow the link and register for free
follow the instruction

NO SCAM!!!
Lifetime opportunity awaits you..

Linggo, Nobyembre 27, 2011

Mga Naglalarong Laway sa Bibig ng Tagayang Baso


Isang oras at apatnapung minuto bago mag-december 25, dalawang katropa pa ang dadaanan bago mapunta sa akin ang pagikot ng tagay. Bukod sa mga batang kumakain ng paputok, mga halo-halong ingay ang karamihan sa mga nagpapasigla sa gabi at kasabay ng pagkumpas ng mga paa ko sa tugtugang punk-disco na yumayanig sa kabilang bahay, inaaliw ko ang sarili ko sa pagnguya ng greenpeas habang nakikipagdiskurso sa mga kainuman. Tawanan, tablahan at harutan.
Ibang level talaga ang pwedeng maging trip pag nagsimula nang gumapang sa mga ugat mo ang espiritu ng alak. Kaya mong marating ang isang malayong kalawakan, lumutang sa hangin at sumayaw nang walang kapaguran.
“In wine, there is a truth.” Di ko maalala kung saan ko narinig ‘yan at kung sinong tomador ba nagsabi nyan. At kung hindi natin nanamnamin e walang bumbilyang iilaw sa tuktok ng ulo natin. May kalaliman pero kung sasalaminan mo ng ideyang pilosopikal, dun mo matatanto na may mga katotohanang nakalibing sa mga tinuturing na kahibangan. Hindi masarap ang alak kumpara sa paborito mong orange juice. Pero para bang alak ang humahalina sa isang grupo ng mga tao na magkumpulan, pagitnaan ang isang maliit na lamesa na may nakapatong na isang platong inihaw na bangus at isang basong sawsawan. Hindi masarap ang alak kumpara sa mountain dew na madalas mong bilihin sa canteen. Pero para bang alak ang umaakbay sa balikat ng mga taong may mabibigat na problema. Hindi din masarap ang alak kumpara sa shake na pampalamig mo tuwing tanghalian. Pero para bang alak ang dahilan kung bakit nagiging Katrina Halili sa paningin mo ang kapitbahay mong amazona. At hindi din masarap ang alak kumpara sa mainit na kapeng may kapartner na biskotso. Pero bakit para bang alak ang nagpapasigla sa kwentuhan ng isang barkada.
Gaya ng isang malupet na body slam sa saliw ng dagungdong ng drumbeats sa isang tugtugang Metal, may mga bagay na minsan e kailangang gamitan ng panyuyog para maibulalas. May mga kinikimkim kang mga bagay-bagay na nagyelo na sayong kalooban na kailangan ng ibayong init ng alak para matunaw at maisiwalat.
Nakasakay ako ngayon sa isang karawahe hila ng mga pulang kabayo. Lumilipad at nakikipagkarerahan sa mga usa ni Santa Claus.
Tagay muna…

Huwebes, Nobyembre 24, 2011

Ang RH Bill at ang Red Horse Beer sa Pananaw ng Isang Lasing (Hik!)


Ang issue ng RH Bill at ang Red Horse Beer, kung tutuusin ay walang pinagkaiba. Tayo, bilang mamamayan ay nalalasing lang sa hapag ng isang pambansang inuman habang pinagtatalunan ang bagay na ito.
Ako, bilang isang opinyonadong taga-tagay ngayon sa mismong kuta ko ang hayaan mo munang magbigay ng saloobin ko ukol dito.
Ang RH Bill, katulad ng RedHorse beer, ay ayaw  ng simbahan. Masama ang RH Bill sa parehong paraan na masama rin ang maging lassenggo sa kanilang pananaw. Ngunit sa responsableng pagpapatupad katulad din ng responsableng pag-iinom, maaaring magkasundo kayo. Heksampol ba ‘kamo? Hik!
(RH Bill)
Maria: Joseph, buntis ako at hindi ikaw ang ama!
Joseph (Pong): Hindi ito maaari, ipalaglag natin ang bata!
Maria: No can do. Si Jimmy

Espiritu
Santos ang ama nito!
Joseph (Pong): Weh? ‘Di nga. OK, alagaan na lang natin siya at palakihin na isang mabuting mamayan.
(Red Horse Beer)
Maria: Anak, naubos na ang alak na iniinom ng mga sunog-baga dito sa kasal.
Jesus (Tatay ni Pong): OK po, gagawin ko pong alak ‘tong mga tubig sa banga pero sana po drink moderately lang sila ha? Promise po? Be blessed po!
Maria: Oo naman,yes!
See?
Pasok.Accepted.Approved.
Ang RH Bill, ay magpapatibay sa kaaalaman ng mamamayan sa responsableng pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kampanya ng estado sa kaalaman ukol dito. Kasama rito ang kaalaman kinapapalooban ng seks, birth control at kahalagahan ng proteksiyon ng kababaihan sa ligtas na agwat ng pag-aanak. Itataas nito ang maturity ng ating mga kaisipan tungkol sa sex sa pamamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng tamang edukasyong ukol dito na magbubukas ng isip ng ating kabataan.
RH Bill at Red Horse Beer = Pang Mature. Not for sale to Minors.
Ang RH Bill, katulad ng RedHorse beer, pagtapos mong laklakin ay mayroon ding ‘bill’. Katulad ng isang mahabang inuman, babayaran natin ito pagtapos. Pagbabayaran natin ito bilang isang bansa. Pagbabayaran ito ng susunod na henerasyon ng bawat Filipino. Sisingilin tayo sa anumang desisyon natin sa inuman ngayon. Kung sa tingin natin na ang issue ng RH Bill at ang pagsusulong nito ay isa lamang pulutan na masarap papakin at isuka sa ating
kamangmangan
kalasingan, nagkakamali tayo.
Kung sa ngayon pa lang na bilang isang bansa eh, para na tayong lasing na pasuray-suray sa daang tinatahak natin, umi-ihi sa kung saan-saan , nakukuntento sa pagkanta ng ‘My Way’ at natutulog sa pansitan habang palaboy-laboy sa kalsada dito at sa kalsada ng ibang bansa ang ating mga anak, may mali na yata. At hindi ito pagkakamali bilang isang indibidwal kundi bilang isang bansa. Hudyat na yun na itigil natin ang pag-inom sa kasalukuyang kultura, paniniwala at gawi ukol sa pag-aanak. Ayaw nating sumbatan tayo na iresponsable ng hinaharap.
At bilang pang wakas sa aking kawalang-hiyaan, hahamunin kitang tanungin mo ang iyong sarili ukol sa RH Bill at RedHorse Beer. May sapat ba tayong lakas at sapat na tapang kasama ng sapat na kaalaman sa ngayon para baliwalain ang isyu at ang bote?
RH Bill at Red Horse Beer.
Alam mo…Ito ang Tama.
OK. Balik sa tagay. Hik.
Ang nabanggit na tauhan, pangyayari at pagkakahalintulad sa anumang tao, karakter o kwento mula sa ibang libro ay hindi sinasadya. Gayundin naman, nagkataon lang din ang pag gamit sa pangalan ni Pong at ng kanyang Ama. Be blessed po.

RED HORSE CHOCO BAR


choco yummy bumubula pa